Wala Lang
Ano ka kung
wala ka lang
Dumi ka lang sa
isang tabi
pinapayagang
maglaho
mawalis,liparin
mahipan
Ano ka kung
wala ka lang
Isang batong
nahihimlay
Handang masipa
sa galit
o mabato
sa lungkot
Ano ka kung
wala ka lang
Hanging Nakapalibot
Nariyan at Naaalaga
Ngunit hindi pinapansin
Hanggang sa
magwala
Wala ka lang
at kung
wala ka lang
walang makakapansin
kung maglaho ka
(untitled)
Eto na't parating
ang superherong
lumulutang sa
hangin
Dala-dala ng mga lobong
laman ay
kakayahang angkin
Siya'y La-landing!
ang superherong
lumulutang sa hangin
unti-unting pinakawalan
ang laman
ng lobong bibit
Natuwa ang mga tao
saba'y Puri
Muli ang Paglipad
ng superherong lumulutang
sa hangin
Matayog ang lipad
sumisirko-sirko pa
Astig talaga pagmasdan
ang superherong
lumulutang sa
kawalan
Ngunit sa Isang Iglap
PAK! PAK! PAK!
Bumubulusok pababa
ang superherong
matayog ang lipad
At sa kanyang pagsalpak
sabi ng superhero
ORDINARYO lang pala ako
kagaya niyo.